Sinasaad ng kasaysayan na ang bayan ng Cavinti ay dati lang barangay ng Lumban. Ang pangalang ito'y unang tumukoy
sa isang ilog sa dakong hilaga nito, na umaagos patungong kanluran at bumabagtas naman sa Hog Bumbungan patungo sa bayan ng
Pagsanjan.
Ayon sa ating mga ninuno, ang pangalang "Cavinti" ay hango sa
pariralang Tagalog, "KABIT SA BINTI." Ang naturan naman ay tumutukoy sa isang
kaugalian ng mga Aeta na unang nanirahan sa pook na ito. Diumano, ang dalagang pinatatakbo sa kagubatan ng lugar na ito ay
ipinahahabol sa binatang kanyang napupusuan hanggang sa tabi ng ilog, Sa sandaling abutan siya ng binata at kapitan sa kanyang
binti ay magpapatihulog sila nang sabay sa ilog. Kapadaka, ang mga saksing nakapalibot sa baybaying ilog at nakikiisa sa maromansang
tagpo ay halos sabay-sabay dinq maqsisiqawan ng Kabit sa Binti!, Kabit sa Binti!.
Di
nagtagal, ang dating walang pangalang ilog na pinagdausan ng seremonyang ito ay tinawag nang "Kabit
sa Binti" Gayon din sa lugar na kinalalagyan ng nasabing ilog. Sa paglipas pa ng panahon. "Kabinti"
na lamang ang tinawag sa dalawang ito, upang dumali ang pagbigkas.
Ang lugar na kinalalagyan ng Cabinti ay natuklasan
na isang kagubatan noon pang 1571. Ayon sa kasaysayan, dito ay may isang pamilyang nanimrahan na ang tanging pinagkukunan
ng inuming tubig ay isang sapa na nasa tabi naman ng isa ring malaking puno ng Binayoyo.
Isang matandang bulag ang
ama ng pamilyang ito na ang tanging gabay sa arawang pagsalok ay isang tungkod ng kahoy. Minsan, sa kanyang pagsalok ay nakatama
siya ng isang malambot na bagay. Sinasabi ng kuwento na bagama't bulag, naanig niya ang makislap na tinamaang bagay ay biglang
naghugis tao.
Mabilis bagama't kinakabahang nagtanong ang matandang bulag. "Sino ka?" Ano ang kailangan mo? Sa pamamagitan
ng napakalaking tinig ay tumugon ang kausap at nagpakilalang siya si San Salvador del Mundo.
Pinahayag din niyang kanyang binabantayan ang naturang sapa, upang hindi ito matuyo Noong ika-7 ng Marso, 1606 - isang araw
ng Huwebes - nagtayo sa dakong ito ng isang barung-barong ang magkakapatid na sina Gabriel, Dionisio
at Antonio Puhawan. Sila'y kaengero na tubong Lumban. Palibhasa'y malapit ang kanilang barung-barong sa puno
ng Binayoyo, madali nilang napupuna ang madalas na pagkinang ng dulo nito. Isang gabi ay nagpakita umano sa kanila ang imahen
ng Poong San Salvador del Mundo Lumuhod sila, nagdasal at pagkatapos ay nagdesisyon
na dalhin ang imahen sa kanilang bayan ng Lumban.
Gayunman, pagbalik nila sa barung-barong sa Cavinti, nasumpungan
nilang naroon muli ang nasabing imahen. Dahil dito'y nagtayo ang magkakapatid ng maliit na Bisita para dito. Dito na rin dinaos
ang unang misa sa pook na iyon at ang unang kapistahan na iyon at ang unang kapistahan ng Mahal na Poong San Salvador del
Mundo bilang Patron ng Cavinti. Naging Tenyente Absolata rito si Don Antonio Puhawan
na siyang panganay sa tatlong magkakapatid.
Noong 1616, dahil sa pagdayo rito ng marami ay naging Ermita na ang naitayong
Bisita. Simula noo'y ginanap na rito ang pagmimisa, pagpapakasal, pagbibinyag at pagbabasbas na nalilibing.
Matapos
ipahayag ng "Royal Audiencia" ang Cavinti bilang isang nagsasariling bayan noong 1619, tinayo ang gusali ng Presedencia. Kasabay
nito'y pinapagbagong loob ang mga taumbayan tungo sa Kristiyanismo. Itinayo rin ang paaralan sa kumbento na pinamahalaan ng
isang pari.
Samantala, nagdulot ng ibayong paghihirap sa mga taga Cavinti ang pananakop ng mga Kastila. Pinilit ang mga mamamayang
gumawa ng mga bahay para sa kanila. Maging ang pagpapagawa ng simbahang nakatayo hanggang ngayon ay sinasabing binayaran ng
maliit lang na halaga. Bukod pa rito, binuwisan nang malaki ang mga taga Cavinti. Kung hindi naman sila makasapat sa pagbabayad
ay kinukunan pa ang kanilang mga ani Ito at ang iba pang pang-aapt ang naglagay sa mga mamamayan sa malungkot at kahabag-habag
na kalagayan.
Ang pagnanasang labanan ang pang-aaping ito at ibalik ang nawalang kalayaan ng bayan ang siya na ring
nagbunsod sa marami, upang lumahok, sa kilusang himagsikan sa lalawigan, Kabilang sa mga ninunong naghimagsik sina Andres
Blanco, Juan Gallardo, Ladislao Linay, Mariano Olivares, Esteban Batas, PedroOblena, Eugenio Liscabo, Juan Liwagan, Rafael
Lubuguin, Nicasio Morales at Francisco Morales.
Sa pagdating ng mga Amerikano, nanumbalik ang katahimikan
at kaayusan sa Cavinti. Maraming paaralang bayan ang itinayo na pamahalaan ng mga sundalong Amerikano. Hinirang pa ngang magturo
rito ang ilang taga Cavinti, Nagpamahagi rin ng maraming akiat at kagamitang pampaaralan nang libre sa mga mag-aaral ng panahong
iyon.
Kasabay nito, isang tulay patawid sa Ilog Cavinti ang itinayo at nagpadali sa pagbibiyahe ng mga mamamayan sa
ibang bayan. Ang pagkakaroon naman ng mga sasakyan ang nagbigay ng paunang sulong sa pag-unlad ng Cavinti Simula noo'y malaki
rin ang iniunlad ng mga mamamayan at ito'y pinatotohanan ng pagdami ng malalaki at magagandang bahay dito.
Makalipas
pa ang ilang taon ang pamamahala ng mga Amerikano, ang mga Pilipino ay binigyan ng pagkakataong mamahala sa bayan. Si Huwes Cirilo Villamin ay nahalal bilang Kagawad ng Sangguniang Panlalawigan ng Laguna
noong 1928-1931, Siya ang unang taga-Cavinti na humawak ng ganitong tungkulin sa pamahalaang panlalawigan
Ang pagkakatatag
ng Philippine Commonwealth noong 1935 ay naghanda sa ating bansa para sa ganap na kalayaan. Maraming pagbabago ang ; naganap
sa Cavinti, Marami pang paaralan ang itinayo. Lalong mabubuting lansangan ang ginawa at dumami ang mga negosyo sanhi ng mabuting
^ daloy ng transportasyon at komunikasyon. Gayundin, binigyang laya ang mga kababaihang makaboto at iboto. Si Gng.
Mercedes Villanueva ang siyang unang nahalal na konsehal ng bayan.
Ang abalang pagbabalangkas ang mga
Pilipino tungo sa ganap na kalayaan mula sa bansang Amerika nang magsimula ang Digmaang Pasipiko noong Nobyembre 1941 Noon
Mayo 25, 1942, ilang panahon lang pagdaong ng mga Hapones sa Pilipinas - lumusob ang Japanese Imperial Army sa Barangay Duhat.
Madali nilang nasakop ang Poblacion dahil karamihan sa mga mamamayan ay nagsilikas sa ligtas na lugar.
Hiniling ng
mga Hapones na magsibalik sa bayan ang mga mamamayang Pilipino sa loob ng labinlimang araw, ngunit tinanggihan ito ng huli.
Dahil dito'y sinunog ng mga banyaga ang bayan ng Cavinti noong Hunyo, 1942.
Pagkatapos nito, itinatag nila ang pamahalaang
militar ng mga Hapon sa bayan at itinalaga si G. Juan Oflaria bilang Punong Bayan.
Ipinatupad nila ang pagpaparami ng pagkain lalo na ang mga gulay. Nagbuo rin sila ng samahan sa buong paligid. Pinagbabantay
pa ang mga kalalakihan tuwing gabi. Sila rin ang namahala sa pamimigay ng "ration cards" para sa pangunahing kailangan tulad
ng asukal at bigas.
Sa kabila pagtupad ng mga mamamayan sa mga kautusang Hapones, lumala ang kahirapan ng mga Pilipino
bunga ng iba't ibang pagpaparusa ng nanakop. Nagbunga ng pagkakatatag ng Kilusang Guerilla sa lalawigan. Si Col.
Juan Villamin ang nanguna sa grupong ito na binuo ng mga kawal na tubong Cavinti, ang mga kawal na taga-ibang bayan
mula sa Philippine Armed Forces, at ang mga nakatakas na tinawag na "Death March".
Marami ring matatapang na sibilyan
ang nagdesisyong iwasan ang kanilang pamilya, upang tumulong sa kilusang guerilla. Kabilang sa kanila sina Col.
Zosimo Ressureccion, Maj. Lizando Valente, Marciano Villamin, Nicolas Lubuguin at Capt. Melencio Duma.
Nagkaroon
ng katuparan ang natitirang pag-asa ng mga mamamayang Pilipino tungo sa ganap na kalayaan nang bumalik sa bansa ang mga Amerikano
noong Oktubre 20, 1944.
Dahil dito'y nanghina ang puwersang Hapones at tuluyan nang nilisan ang bayan ng Cavinti. Simula
noon, nagsibalik na rin dito ang mga taga Cavinti na dating lumikas dito. Simula rin noon, nabuong muli ang Pamahalaang Bayan
ng Cavinti. Unti-unti muling nagsagawa ng pagsasaayos at pagpapabuti ang mga mamamayan nito. Isang sama-samang pagkilos na
nagtangkang burahin ang anumang maruming bahid ng nakalipas na kasaysayan ng bayan ng Cavinti.
|